Babaeng kapatid ni Ardot Parojinog na kasama sa kaso ng droga at ilegal na armas, patay na rin

Kasunod ng pagkamatay ni dating Ozamis City Councilor Ardot Parojinog sa kanyang selda noong nakaraang linggo, namatay na rin ang babaeng kapatid nito na si Melodia “Apyat” Parojinog-Malingin kahapon, sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. (MHARS) Medical Center in Ozamis City.

Si Apyat ay co-accused ni Ardot sa paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan, cadiolic shock secondary to intractable cardiac arrythmia, atrial fibrilation to ventricular tachycardia secondary to massive gastrointestinal bleeding secondary to uremic gastropathy, ang ikinamatay ni Melodia base sa findings ng attending physician.

Samantala, sinabi ni Cascolan, si Ardot na natagpuan na lang na patay sa loob ng kanyang selda sa Ozamis Police Office noong Biyernes, ay namatay naman dahil sa cardio pulmonary arrest secondary to cardiovacular disease base sa initial findings ng City Health Office.

Ayon kay Cascolan, ang labi ni Ardot ay na-turn over na sa kanyang pamilya matapos masuri ng PNP forensic examiners.

Hindi aniya nag-request ng autopsy ang pamilya ni Ardot, pero patuloy pa rin aniya ang imbestigasyon ng PNP sa pagkamatay nito, gayundin sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Melodia.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.