Babala ng PDP-Laban na alisin sa partido si Sen. Pacquiao, distraction lang para sa nalalapit na laban ni Pacman — Sen. Pimentel

Tinawag na “bluff” at distraction ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang banta ng mga bagong opisyal ng PDP-Laban na tanggalin sa partido si Senador Manny Pacquiao.

Kaugnay ito ng banta ng mga opisyal ng partido na alisin si Pacman dahil sa umano’y hakbang nito na gawing isang national party ang regional party na People’s Champ Movement (PCM).

Ayon kay Pimentel, layon lang ng naturang hakbang na i-distract ang Pambansang Kamao mula sa nalalapit niyang world championship boxing fight.

Giit ng senador, hindi pinagbabawalan ng konstitusyon ng PDP-Laban ang kanilang miyembro na maging bahagi rin ng isang regional political party.

Matatandaang kasabay ng inilabas na babala ng partido kay Pacquiao ay ibinahagi ng mga ito ang isang dokumento na nagpapakita ng diumano’y minutes ng naging meeting ng PCM noong December 2020.

Gayunpaman, pinunto ni Pimentel na makikita rin sa nasabing dokumento na binitawan ni Pacquiao posisyon niya bilang presidente ng PCM bago siya naitalaga noon bilang presidente ng PDP-Laban, bagay na hindi naman aniya kailangang gawin ng senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.