Bagong 1st Combat Brigade Team ng PH Army, may 6 na buwan para ubusin ang Abu Sayyaf

Anim na buwan ang “time frame” ng bagong buong 1st Combat Brigade Team ng Philippine Army para ubusin ang Abu Sayyaf.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, matapos na i-deploy sa Sulu noong Mayo 31 ang 1,500 kataong pwersa ng elite combat team.

Ang 1st Combat Brigade Team ay itinatag bilang specialized unit, na pangpronta ng militar sa pagtugis sa mga terorista at komunistang grupo.

Ayon kay Brig. Gen. Arevalo, ang combat brigade team ay kakaiba sa regular Army Brigade, dahil anumang oras ay maaari itong i-deploy sa ibang lugar kung kakailanganin ang kanilang puwersa.

May naka-attach na rin itong mga elemento ng armour at artillery.

Ayon naman kay 6th ID Commander Maj. Gen. Cirilito Sobejana, bagamat kailangan din sa kanyang area ang nasabing special unit, aniya may priority kasi ang AFP at ito ay pulbusin ang teroristang Abu Sayyaf sa Sulu.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.