Bagong deliver na C-130H ng Phil. Air Force, gagamitin agad sa paghahatid ng bakuna

Napapanahon ang pagdating sa bansa ng una sa dalawang C-130 H aircraft na binili ng Pilipinas sa Estados Unidos dahil magagamit agad ito sa paghahatid ng bakuna kapag sinimulan na ang vaccination program ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos pangunahan ang pag-tanggap at pag-bendisyon ng eroplano kahapon sa 250th Presidential Airlift Wing Hanger sa Villamor Airbase.

Ayon sa kalihim, ang eroplano ay malaking tulong sa kasalukuyang fleet ng C-130 ng Philippine Air Force, na pangunahing ginagamit sa paghahatid ng mga karagamento at tropa para sa depensa, internal security operations disaster-response operations at humanitarian missions.

Nagpasalamat naman si Lorenzana sa Estados Unidos sa tulong para makuha ng Pilipinas ang una sa dalawang C-130H aircraft sa ilalim ng US Security Cooperation Assistance Program.

Sa kabuuang halagang 2.5 bilyong piso, 1.6 na bilyong piso lang ang babayaran ng Pilipinas, at ang balanse ay sasagutin ng Estados Unidos.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.