Bagong Mascot “Corporal Pikoy” inilunsad ng PNP

Inilunsad ngayong umaga ng Center for Police Strategy Management (CPSM) ng PNP sa Flag Raising ceremony sa Camp Crame ang kanilang bagong mascot na si “Corporal Pikoy”.

Katulad ng mascot na si PO1 Bato noong panahon ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, si “Corporal Pikoy” ay look-alike naman ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan.

Ayon kay CPSM Director PBrig. Gen. Rhoderic Armamento si “Corporal Pikoy” ang symbolo ng pagiging energetic ng PNP chief.

Sinabi ni Armamento na magiging ambassador ng PNP Patrol Plan 2030 si Cpl. Pikoy.

Sa kanyang pag-ikot ay ipapaalala ni Cpl. Pikoy ang atas ni Cascolan sa lahat ng pulis na maging matapat sa kanilang pagpapatupad ng batas, pagpigil sa krimen, pagpapanatili ng peace and order, at pagtiyak ng public safety at internal security na may suporta ng komunidad.

Simbolo rin si Corporal Pikoy ng iniakda ni Cascolan na Enhanced Managing Police Operation (EMPO) na itinuturing na bibliya ng Police Operations, upang ipaalala sa mga pulis na laging sumunod dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.