Bagong Minority leader sa Kamara, peke -Lagman

Tinawag ni Albay Rep Edcel Lagman na peke at hindi totoong kumakatawan sa Minority Bloc ng House of Representatives ang nahalal na House Minority Leader na si Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano.

Ayon kay Lagman, si Paduano ay bumoto para sa liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco kaya dapat ay mapabilang ito sa House Majority at hindi sa Minority.

“Under the rules, he’s considered a member of majority because he himself admitted he voted for Speaker Velasco then he’s not an authentic minority when he was elected minority leader,”paliwanag ni Lagman.

Si Paduano ay binoto ng Minority Bloc bilang Minority Leader kapalit ni dating Manila Rep. Bienvenido Abante Jr na lumipat na sa Majority.

Ipinaliwanag ni Lagman na maaari lamang na maging miyembro ng Minority si Paduano kung gagawa ito ng written request sa Majority Leader na hindi naman ginawa ni Paduano.

“When a minority leader is anointed by the leadership, then the efforts to fiscalize will be extremely limited. It is important that the minority will be cooperative with the leadership of the House but never subservient”dagdag pa nito.

Noong panahon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang kaalyado nito na si Quezon Rep. Danilo Suarez ang siyang Minority Leader, sinabi ni Lagman na mali ito at hindi na dapat maulit pa.

Saa panig ni Paduano sinabi nito na ang Minority sa ilalim ng kanyang pamumuno ay magiging fiscalizer.

“The advantage is the minority will have needed rapport with the Speaker and the House leadership without sacrificing the fiscalizer role and the balancing role of the minority,”ani Paduano.

Giniit pa nito na hindi dapat kuwestiyunin ang kanyang posisyon dahil binoto sya ng mga miyembro ng Minoroity Bloc.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.