Bagyong Ulysses: 14 pa lamang ang kumpirmadong nasawi, nilinaw ng Malacañang

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa kasalukuyan, 14 na indibdwal pa lamang ang berepikadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.

Pahayag ito ng kalihim, kasunod ng magkakaibang datos na binanggit ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP) sa briefing ngayong umaga sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Matatandaan na base sa datos ng DILG, nasa 14 na indibidwal ang nasawi habang tatlong iba pa ang nawawala.

Base naman sa datos ng AFP ay nasa 39 ang nasawi, habang sa PNP naman ay 26.

Ayon kay Secretary Roque, sa mga LGUs kasi dapat magmumula ang datos ng casualty dahil sila ang magku-kumpirma kung typhoon related ba ang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.

Sinegundahan naman ito ni DILG Secretary Eduardo Año, at sinabi na LGUs at DILG ang talang dapat na mag-verify ng mga ito, dahil posibleng ang ibang mga bangkay na na-recover ng mga pulis at sundalo ay hindi naman nasawi dahil sa bagyo. Posible aniya na pinatay ang mga ito, inihalo na lamang sa mga casualty ng bagyo.

Tiniyak naman ng kalihim na agad ilalabas ng pamahalaan ang mga datos sa oras na makumpirma na ang mga ito.SEARCH

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.