Balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay PNP OIC Gamboa

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa, na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang revamp ng mga matataas na opisyal ng PNP.

Sinabi ni Gamboa sa isang press conference sa Camp Crame, na ito ay matapos na magpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo sa PNP sa isinigawang command conference sa Malacañang noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Gamboa, na ang lahat ng mga binalasang opisyal ay itinalaga sa kanilang mga bagong pwesto sa “acting capacity” lang.

Tatlong buwan aniya silang “probationary” sa kanilang mga bagong pwesto, kung saan binibigyan sila ng pagkakataon na patunayan ang kanilang husay.

Ayon kay Gamboa, ang mga opisyal ay nilipat sa mga pwesto kung saan sila ay magiging mas epektibo, base sa rekomendasyon ng Senior Officers Placement and Promotions Board.

Dagdag ni Gamboa, kailangan ng PNP ng mga taong may bagong ideya at sariwang pananaw sa mga matataas na pwesto ng PNP, para maisulong ang pagbabago ng organisasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.