Bantang UAE total deployment ban ni Pres Duterte, susi sa paglaya ni Jennifer Dalquez

Ang panakot na magdedeklara ng total deployment ban si Pangulong Rodrigo Duterte ang naging susi kaya nakalaya sa pagkakulong ang overseas Filipino worker na si Jennifer Dalquez sa Abu Dhabi.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kagabi sa Malacañang kasunod nang pagdalo sa lecture patungkol sa iligal na droga.

Ayon kay Bello, nang makarating sa Pangulo ang napipintong pagbitay kay Dalquez sa pamamagitan nang pagbigti ay inatasan siyang ipahatid ang mensahe sa gobyerno ng Abu Dhabi na ipapatigil ng Pilipinas ang pagpapadala ng OFWs sa United Arab Emirates.

“We relayed your instruction that I said, “the President respect your justice system but the President feels that if you hang his countrymen, then he just to declare total deployment ban for the entire United Arab Emirates,” ani Bello.

Naging positibo aniya ang tugon ng mga opisyal sa nabanggit na bansa at makalipas ang dalawang buwan ay na-commute ang sentensya ni Dalquez ng tatlong taon.

Hindi pa aniya natapos ang tatlong taon ay pinalaya na ang OFW kaya nakauwi na sa Pilipinas.

Si Dalquez ay nasentensyahang mabitay dahil sa pagpatay umano sa among lalaki na nangtangkang manghalay sa kanya.

Pero may duda si Bello na na-set up si Dalquez dahil napakaliit nito para mapatay ang among brusko kaya mahirap paniwalaan ang bintang sa OFW.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.