Bar na nagpapasok ng partygoers, ipasasara ng Makati City government

Nakatakdang inspeksyunin ng mga tauhan ng Makati Business Permit and Licensing Office ngayong umaga ang isang bar sa Barangay Poblacion, kung saan nahuli ang apatnapung indibidwal na nag-party noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Makati City Spokesperson Don Camiña, bago isara ang Kartel Rooftop Bar ay susuriin muna ito ng BPLO personnel para sa iba pang ipapataw na parusa.

Nakatanggap ng tip ang Makati City Police mula sa Office of the Mayor hinggil sa nangyayaring party kaya agad nila itong pinuntahan.

Mula sa apatnapung partygoers na namataan sa lugar, lima rito ay German diplomats at lahat sila ay inaresto, pinagmulta ng isanlibong piso para sa hindi pagsusuot ng face mask at curfew violation at isanlibong piso para sa hindi pagsunod sa physical distancing.

Pinakawalan din ang violators matapos bigyan ng citation tickets ng Makati Public Safety Department pero bago ito ay pumalag ang German diplomats at iginiit na mayroon silang diplomatic immunity.

Binigyang-diin naman ni Camiña na bagama’t nais ng lokal na pamahalaan na makabangon ang business establishments mula sa epekto ng COVID-19 ay kailangan pa rin nilang maging responsable at sundin ang health at safety protocols.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.