Batas na magpapalakas sa Anti Money Laundering Act, pirmado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11521 o ang batas na layong palakasin ang Anti-Money Laudering Act of 2001.

Nakapaloob sa batas ang pagbibigay kapangyahiran sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang makapag-isyu ng subpoena at makapag-imbestiga ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Binigyan rin ng kapangyarihan ang AMLC na i-preserve, i-manage o i-dispose ang mga assets alinsunod sa freeze order, preservation order o judgment of forfeiture.

Nakasaad rin sa inamyendahang batas na covered nito ang Philippine Offshore Gaming Operators at service providers ng mga ito.

Matatandaang una nang sinabi ng mga mambabatas na ang pagpapalakas sa Anti-Money Laundering Act ng Pilipinas ay mag-iiwas sa bansa na mapabilang sa gray list ng Financial Action Task Force (FATF)-International Cooperation Review Group.

Importante anila ito, dahil sa ang pagkakasama sa gray list ng FATF ay magre-resulta lamang sa mas matinding pagbusisi ng mga regulators at financial institutions, na magde-delay naman sa proseso ng mga transaksyon, at magpapahirap sa bansa na maabot ang target na credit A rating.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang batas ika-29 ng Enero, 2021.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.