Batayan sa pagkansela ng party-list groups nilinaw ng Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) ang grounds para makansela ang rehistrasyon ng party-list group?

“Kailangan hindi lang isang incident of violence. Kailangan makita na itong violence ay talagang ineespouse as a matter of policy as a means of pursuing their goal,” lahad ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

“Kailangan patunayan iyon at kailangan malinaw ang responsibilidad sa organization na yun.”

“Karapatan naman ng iba na siguraduhin din na ang lumalahok ay karapat dapat din sa party list. Hindi natin masabi na bawal ireklamo ang isang partylist organization. Kaya nga tayo may hearing,” paliwanag pa nito.

Base sa Section 6 ng Party-List System Law, ang removal at/o kanselasyon ng registration ng party-list organization ay posible kung mapatutunayang religious sect o denomination, organization o association na inilaan sa religious purposes; advocates violence o unlawful means para maabot ang goal; foreign party o organization; nakatatanggap ng suporta mula sa kahit anong foreign government, foreign political party, foundation, organization para sa partisan election purposes; o lumalabag sa kahit anong batas na may kinalaman sa eleksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.