Bayanihan 2, magiging susi sa tuluy-tuloy na economic recovery — NEDA

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang maiaambag ng Bayanihan 2 upang magtuluy-tuloy na ang pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Ayon kay Socioeconomic Planning Chief Karl Chua, bagamat unti-unti nang napapansin ang pag-angat sa economic trajectory, hindi pa rin ito sapat para lubos na maibalik ang sigla ng ekonomiya.

Sa tulong aniya ng Bayanihan 2, makakaasa ang publiko ng mas maayos na probisyon sa healthcare system, public transport at consumer demand.

Tinukoy rin ng kalihim na kabilang sa prayoridad ng pamahalaan sa Bayanihan 2 ang pagbibigay ng equity support sa mga naapektuhang negosyo at matutukan ang productivity ng agriculture sector.

Ayon kay Chua, hindi magiging matagumpay ang structural transformation ng bansa kung hindi maiaangat ang agri-sector.

Maliban naman sa Bayanihan 2, kabilang pa sa recovery program ng pamahalaan ang Build, Build, Build program, at ang 2021 National Budget.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.