BBM at Sen. Bong Go, nanguna sa presidential at VP survey ng Publicus Asia

Sina dating Senator Bongbong Marcos at Senator Bong Go, ang nanguna sa Pahayag survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc., para sa presidential at vice presidential race.

Si Marcos ay nakakuha ng 49.3% rating, na sinundan si Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa hanay ng mga kandidatura sa pagka-presidente.

Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno (8.8%); sumunod sina Senador Panfilo Lacson (2.9%); Senator Manny Pacquiao (2.8%); at Senator Ronald Dela Rosa (1.9%).

Samantala, para sa mga kakandidatong bise presidente, may 23.6% rating si Go; sumunod si Doc Willie Ong (19%); at Senate President Tito Sotto (17.3%).

Pang-apat si Senator Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).

May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.