Beechcraft C-90 Aircraft na bigay ng Japan, gagamitin sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea

Benindisyunan ngayong umaga ang isa sa limang Beechcraft King Air C-90 aircraft mula sa Japan Maritime Self Defense Force, sa Headquarters Naval Air group, Sangley Point, Cavite.

Magugunitang sumailalim sa refitting ang tatlong huling nai-turnover na eroplano noong Marso ng nakaraang taon, at maaari na ngayong gamitin sa aktibong serbisyo ng Naval Air group.

Ang unang dalawang nai-turn over na eroplano noong 2017, ay kasalukuyan nang ginagamit ng Phililippine Navy sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sa maiden flight ng isa sa dalawang unang dineliber na eroplano noong Enero 2018, ay na-monitor nito ang mga Chinese vessel sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.

Ang limang eroplano ay orihinal sanang aarkilahin ng Pilipinas, pero nagdesisyon ang Japan na i-donate na lang  ang mga ito.

Kasama sa donasyon ang spare parts ng eroplano at pagsasanay sa mga piloto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.