Bilang ng mga nabakunahan sa bansa, mahigit 4-M na

Naabot na ng pamahalaan ang target na 4-milyong katao na dapat mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon sa National Vaccination Operations Center o NVOC secretariat, 4,097,425 indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Nasa 3,147,486 ang naturukan ng 1st dose, samantalang 949,939 ang tumanggap ng 2nd dose.

Sa loob lang ng 7 araw, aabot sa 1,137,596 na indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Kasabay nito, lubos ang pasasalamat ng National Vaccination Operations Center sa pagsisikap at pakikiisa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, ng publiko at ng lahat ng sektor para magtuloy-tuloy ang pagbabakuna laban sa COVID.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.