Bilateral ties ng Pinas sa China mas piniling isulong ni Pangulong Duterte sa kabila ng gusot sa WPS

Isusulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bilateral ties ng Pilipinas sa China sa mga usapin na kapwa mapagkakasunduan ng dalawang bansa habang isasantabi naman ang mga usapin na hindi pa nareresolba.

“He will pursue his bilateral relations. Ipagpapatuloy niya ang relasyon sa bansang Tsina dun sa mga bagay-bagay na pupuwedeng isulong at isasantabi ang mga hindi mareresolba sa ating lifetime,” ayon kay Presidentisl spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na ang territorial dispute ng Pilipinas sa China, partikular na sa usapin ng pagkalawala ng Scarborough Shoal sa Beijing at ang ginawang paglalagay ng artificial islands sa exclusive economic zone ng Pilipinas ay nangyari bago pa umupo si Pangulong Duterte at kailangan na harapin ang usaping ito nang siya ay maging Pangulo ng bansa.

“Hindi sa termino ni Presidente na nagkaroon tayo ng batas at isang desisyon ni Justice Carpio na naging dahilan kung bakit nawalan tayo ng internal waters at territorial seas,” paliwanag ni Sec. Roque na ang tinutukoy ay ang Republic Act 9522 o Baselines Law na nilagdaan noong 2009 ni dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo.

“Ang nawalang territorial sea natin ay 229,000 square miles at ang naging territorial sea na lang natin sang-ayon sa UNCLOS at sang-ayon sa Archipelagic Baselines Law ay 34,300 square miles na lang ang natira,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Sec. Roque na walang sinoman ang sinisisi ng Malakanyang sa usaping ito dahilan para magesisyon si Panulong Duterte na itulak ang bilateral ties sa China, lalo na sa larangan ng negosyo at pamumuhunan.

Magkagayon pa man, sa kabila ng ‘friendly attitude’ ni Pangulong Duterte sa Beijing, “the Philippines has carried out more aggressive actions against China under his term,” ayon kay Sec. Roque.

Kabilang na rito ang ginawang pagprotesta ng Pilipinas noong nakaraang taon sa deklarasyon ng China na ‘two new districts’ na tinawag nitong Sansha City, na sakop ng West Philippine Sea.

Ngayong buwan lamang, naghain ang Maynila ng diplomatic protests laban sa Beijing at ilang bilang ng apela bunsod ng patuloy na pananatili ng Chinese vessels sa WPS.

Samantala, patuloy namang itinatanggi ng China na kilalanin ang landmark arbitral tribunal ruling sa The Hague in 2016 na nagpapatunay sa sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.