Binawi na ng Pilipinas ang Travel ban sa Taiwan

Kinumpirma ng Malakanyang na napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na binawi na ang travel restrictions na ipinataw sa Taiwan.

‘Effective immediately’ ang desisyong ito.

Dahil dito, ang anumang travel o pag-byahe ng mga dayuhan, turista at Filipino mula Taiwan papuntang Pilipinas o vice versa ay maaari na.

Ang lifting o pag-alis ng travel restrictions para sa Taiwan ay napagkasunduan ng mga miyembro ng IATF partikular na ang strict measures na kanilang ipinatupad at protocols sa pag-implementa para tugunan ang COVID-19.

Samantala, susuriin naman ng IATF ang iba pang hurisdiksyon kabilang na ang sa Macau, para sa posibleng pag-alis ng travel ban matapos na magsumite ang mga ito ng protocols na sinunod ng kanilang pamahalaan para pigilan ang potential carriers ng Coronavirus disease mula sa pagpasok at pagpapabalik sa kanilang teritoryo.

At pagaganahin ang iba pa para madetermina ang kamakailan na travel history ng kahit na sinumang traveler na lalabas ng kabilang borders.

Binigyang diin ng Office of the President (OP) na ang anumang resolusyon na may kinalaman sa travel restrictions na may kaugnyan sa COVID-19 ay isasailalim sa regular review ng IATF.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.