BIR, ipinasara ang 2 Hub POGO outlet sa Parañaque at Pasay City

Isa pang service provider ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) Task Force POGO, dahil sa pagĺabag sa National Internal Revenue Code.

Sabay na ipinasara kanina ang head office ng Altech Innovations Business Outsourcing sa Aseana City, Parañaque Çity at isang sangay nito sa Pasay City.

Ang POGO Service provider ay pag-aari ni Jan Erick Lavariaz Altavas.

Ayon kay BIR Operations Group Deputy Commissioner Arnel Guballe, iligal ang operasyon ng POGO, dahil hindi ito nakarehistro sa BIR.

May nauna nang POGO outlets sa Quezon City ang ipinasara ng BIR at DOF kamakailan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.