Bohol Panglao Airport bubuksan na, kauna-unahang eco-airport sa Pilipinas

 

NOON, taong 2016, dinatnan ng administrasyong Duterte na 48% delayed ang pagtatayo ng Bohol-Panglao International Airport. Sa katunayan, batay sa official records, mula June 2015 hanggang June 2016 ay 6.48% lamang ang iniusad ng proyekto.

Dahil dito, ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na gawing 24/7 ang construction ng naturang paliparan para tuldukan na ang matagal na paghihintay ng ating mga kababayan.

NGAYON, magandang balita— bubuksan na sa Martes, ika-27 ng Nobyembre 2018, ang Bohol-Panglao International Airport! Ito ang kauna-unahang “eco-airport” sa Pilipinas.

Kaya ng Bohol-Panglao International Airport na mag-accommodate nang hanggang dalawang milyong pasahero kada taon, higit doble sa kapasidad ng Tagbilaran Airport na 800,000 passengers kada taon.

Malawak ang Passenger Terminal Building ng paliparan. Mayroon itong tatlong boarding bridges at baggage handling system. Tiniyak ding hindi pahirap sa mga pasahero ang airport facilities: ang public concourse area sa entrada ng terminal building ay may access sa public toilets, car rental, bangko, at airline ticketing office; konektado rin ito sa car park at passenger terminal curb.

Isa pang magandang balita— simula Miyerkules, ika-28 ng Nobyembre, handa nang tumanggap ng international flights ang Bohol-Panglao Airport.

Bilang kauna-unahang eco-airport sa bansa, bida ang mga environmentally sustainable structure at technology sa paliparang ito. Gawa sa solar panels ang bubong ng Passenger Terminal Building, at ito ang inaasahang magbibigay ng 30% ng electrical requirements ng gusali. Maaari ring magamit muli ang waste water mula sa airport o ibalik ito sa kalikasan dahil pasado sa mga pandaigdigang pamantayan ang solid waste disposal system and waterworks system ng paliparan.

Ang konstruksiyon ng paliparan ay nakumpleto nang tatlong taon bago ang iskedyul ng target nito sa 2021 pagkatapos iniutos ng DOTr Kalihim Arthur Tugade para sa isang 24/7 na iskedyul ng konstruksiyon upang mabilis na subaybayan ang pagkumpleto nito.

Ang PHP8.9 bilyon na Panglao Airport ay gagamit ng natural na bentilasyon habang ang mga solar panel ay mai-install sa bubong ng terminal ng pasahero nito, na sasaklaw sa paligid ng isang-katlo ng terminal ng pasahero terminal ng enerhiya na kinakailangan ng airport.

Mga reaksyon ng mga netizens:

Bohol Panglao Airport bubuksan na, kauna-unahang eco-airport sa Pilipinas1

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.