Bong Go, mas piniling puntahan at tulungan ang mga nasunugan nitong Undas

Habang ang ibang personalidad ay abala sa pagbibigay paalala nitong Undas at serbisyo publiko sa mga nagpupunta sa sementeryo ay mas pinili ni dating Special Assistant to the President na puntahan ang mga nabiktima ng sunog sa Cagayan de Oro at Maynila.

Kaya nasabi ni Go na isusulong niya ang mas ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng natural at man-made calamity.

45271510_1959075874199955_5017914835715751936_n

“Panahon na po para magpatayo ng mga safe na evacuation centers na may kumpletong pasilidad — may CR, may higaan, para kumportable naman sila habang hinihintay maayos ang kanilang bahay” ayon kay Go.

Ang pagtatayo aniya ng ligtas na evacuation centers ay bahagi ng kanyang legislative agenda para sa Senado.

“May mga aksidente talagang nangyayari, kaya dapat lagi tayong handa,” anito.

Nitong oktubre 29, dalawang magkahiwalay na sunog ang nangyari.

Tinatayang 142 indibidwal ang naapektuhan ng sunog sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro habang 101 pamilya naman ang naapektuhan ng sunog saBrgy. 393, zone 40, district 3, Manila City.

IMG-a6116bbf52796651effdac89a3485269-V-640x480

Pinatunayan lamang ni Go kahit siya’y isang pribadong mamamayan ay walang makakapigil sa kanya para magsilbi sa publiko.

Maliban pa sa tulong na bitbit niya at ang kanyang mga kaibigan mula sa pribadong sektor ay tutulong din siya sa pag- follow up sa mga ahensiya ng pamahalaan sa maaari pang itulong sa mga apektadong pamilya.

Maliban sa relief assistance na ibinigay sa mga apektadong pamilya ay nagbigay din si Go ng uniforms sa mga kabataang mag-aaral at manggagawa.

Sa kabilang dako, may dalawang opsyon naman na inilatag si Go sa mga nabiktima ng sunog.

At ito ay ang sagutin ang pamasahe ng mga nagnanais na bumalik sa kani-kanilang probinsiya at ang tulungan ang mga ito na makapag-avail ng pabahay at relokasyon.

Tutulong si Go na maiparating ang kanilang kahilingan sa National Housing Authority (NHA).

Hinikayat naman nito ang mga apektadong indibiduwal na nangangailangan ng medical attention lalo na ang mga senior citizens na mag- avail ng serbisyo mula sa pinakamalapit na Malasakit Center.

45197801_1959076650866544_2784163621364563968_n

Ang Malasakit Center ay one-stop shop program ni Pangulong Duterte na ang layunin ay makapagbigay ng mabilis na medical services at bigyan ang mga mahihirap na pasyente ng access ng libreng gamot.

Available rin ang fast lane para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Tiniyak ni Go sa mga filipino na kahit wala na siya sa tabi ni Pangulong Duterte ay mananatili siyang SAP subakit hindi bilang Special Assistant to the President kundi Special Assistant to the People na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan .

“Kahit saang sulok ng barangay, kahit saang sulok ng Pilipinas, sa kaya lang po ng panahon ko, sa kaya lang po ng mga kaibigan ko na tumulong, papasukin ko po kayo hanggang sa kadulo-duluhan, kahit sa pinakamaliit pa na kalye,” aniya pa rin.

Samantala, nagtapos ang araw ni Go nang ibahagi nito ang kanyang pagkain sa mga tricycle drivers na pawamg biktima rin ng sunog sa Maynila sa isang malapit na convenience store.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.