Bongbong Marcos: I’m doing Ok, I am home on self-quarantine

Tiniyak ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pawang gumaganda ang kanyang pakiramdam habang lumalaon at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang tahanan.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Marcos na masyado siyang nasiyahan at nagulat sa maraming nag-aalala sa kanyang kondisyon kaya hindi dapat mag-aalala ang lahat dahil bumubuti ang kanyang kalagayan, taliwas sa kumakalat na balita.

“I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” ayon kay Marcos.

Kumalat sa social media na kasalukuyang intubated umano si Marcos sa St. Luke’s Medical City sa Bonifacio Global City dahil nagposibito sa Corona Viurs 2019 saka ipupuslit patungong Singapore sa pamamagitan ng private plane upang magpagamot.

Pinabulaanan ito ng pamilya.

Ngunit, inamin naman ni Marcos na hindi maganda ang kanyang lagay kamakailan kaya’t kaagad siyang nagpasuri sa mga dalubhasa at naghihintay ng resulta.
“Fortunately, I feel much better and am getting stronger by the day. I have no doubt in my mind that this is partly due to the excellent work of the nurses and doctors who helped me during this time,” giit ni Marcos.

Aniya, lubha niyang naging inspirasyon at nagulantang sa tapat at katapatan sa tungkulin ng mga health workers dahil sila mismo ang nasa frontline upang labanan ang pagkakalat ng sakit.

“I am inspired and moved by the show of courage and commitment of our health workers. You are our true heroes in these most trying times. Thank you!!,” aniya.

“I am hoping and praying for everyone’s safety and good health. Please don’t let the sacrifices of health workers and other frontliners go to waste. Let us all stay home,” dagdag ng senador.

“Again, thank you for your love and concern,” ayon sa dating senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.