Boracay bukas na para sa lahat ng lokal na turista mula sa western visayas

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na lahat ng biyahero mula sa Western Visayas kahit pa edad 21 papaba at 60 pataas ay papayagan nang makapasok sa Boracay matapos alisin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Hulyo 23 ang “age-specific ban” sa isla.

Sapul nang buksang muli sa mga turista mula sa nasabing rehiyon ang Boracay noong Hunyo 16, mga edad 21 hanggang 60 lang ang pinapayagang makapasok batay sa modified general community quarantine (MGCQ) guidelines.

“This move aims to further reinvigorate the tourism economy in the region and address the earlier clamor of Boracay tourism stakeholders to attract more tourists to the island,” ayon kay Tourism chief Bernadette Romulo-Puyat said.

Binanggit ni Romulo-Puyat na walang napapaulat na coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases sa isla at tiniyak ang tulong ng pamahalaan sa pagtiyak na umiiral ang health and safety protocols sa pagdating ng local visitors.

“The DOT will always put paramount concern on the safety of our people — tourists and residents alike,” ayon sa kalihim.

Noong Hulyo 23, nag-isyu ang DOT Western Visayas ng kabuuang 115 certificates of authority to operate (CAO) sa accommodation establishments, na sumasakop sa 2,635 health protocols compliant rooms.

Ang Western Visayas (Region 6) ay binubuo ng mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental, lahat ngayon ay nasa ilalim ng MGCQ.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.