Boracay, itinanghal na ‘best island in Asia’ ngayong 2019

Nagbunga ang anim na buwang rehabilitasyong ginawa sa isa sa pinakasikat na isla sa Pilipinas matapos na kilalanin sa Conde Nast Traveler at napiling 2019 Readers’ Choice Awards.

Ibinoto ng mga tagatangkilik ng nasabing travel magazine ang Boracay bilang ‘best island in Asia.’

Kasama rin sa listahan ang mga local na tourist spots tulad ng Cebu at Visayas islands na pumangalawa sa listahan habang ang Palawan naman ay nasa ikaapat na puwesto.

Ang Penang naman sa Malaysia ay pumangatlo habang Bali sa Indonesia ang idineklarang Top 5. 

“This itty-bitty island (just under four square miles) in the Western Philippines is as close to a tropical idyll as you’ll find in Southeast Asia, with gentle coastlines and made-for-Instagram sunsets,” anang Conde Nast Traveler patungkol sa Boracay sa inilabas na artikulo noong Oktubre 7.

“The aptly named White Beach is Boracay’s main draw, with powdery white sand and shallow azure water ideal for swimming and snorkeling.”

Nasa 600,000 voters naman ang nakiisa sa pinakahuling sarbey para sa Readers’ Choice Awards ng Conde Nast Traveler. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.