Boracay, posibleng buksan na rin sa lahat ng local tourists pagkatapos ng buwan ng Hunyo

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Capiz na posibleng buksan na rin sa lahat ng domestic tourists ang isla ng Boracay pagkatapos ng buwan ng Hunyo.

Sa panayam kay Capiz Governor Esteban Evan Contreras sa Network Briefing News, sinabi nitong tinalakay sa pagpupulong ng mga gobernador sa Western Visayas ang kahandaan ng tourism sector, na tumanggap ng mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Gagamitin aniyang basehan ang muling pagbubukas ng Boracay sa mga taga-Region 6, para alamin kung sapat na ang inilatag na health protocols mula sa mga pantalan hanggang sa mga hotel accommodation.

Ito ay para matiyak, na hindi na tataas pa ang kaso ng coronavirus disease sa rehiyon, kasabay ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya.

Sa ngayon, napagkasunduan ng mga opisyal na tatanggapin ng Western Visayas ang mga locally stranded individual, repatriated OFWs, at authorized persons outside residence.

Matapos makipag-usap sa airline companies, ay plano na ring ibalik sa darating na Linggo ang operasyon ng commercial flights patungo sa Capiz at iba pang probinsya sa rehiyon.

Nasa 80 accommodation establishments ang nabigyan ng certificate of authority to operate ng Department of Tourism sa Western Visayas kung saan tatlo dito ay mula sa Capiz.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.