BREAKING: Albayalde, nagbitiw na sa puwesto bilang PNP Chief

Pormal nang nagbitiw sa kanyang puwesto bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si P/Gen. Oscar Albayalde.

watch the video here:

Ito ay sa harap pa rin ng mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay sa mga tinaguriang ninja cops at pagrerecycle ng iligal na droga ng mga dating tauhan niya sa Pampanga.

Inanunsyo ni Albayalde ang kanyang pagbibitiw epektibo ngayong araw matapos pangunahan ang kahuli-hulihan niyang flag ceremony sa Camp Crame ngayong araw.

Paliwanag ni Albayalde, nagkausap na sila ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nitong weekend, at matapos naman ang kanyang pagmumuni-muni, nagpasya na rin siyang magpasailalim sa non duty status upang bigyang daan ang proseso ng pagpili sa bagong PNP chief.

Sa kanya namang talumpati, nagpasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya sabay bilin sa mga pulis na ipagpatuloy lang ang kanilang pagganap sa tungkulin.

Pansamantalang papalit kay Albayalde si Deputy Chief for Administration P/LtG. Archie Gamboa hanggang sa pormal na magpalit ang liderato ng PNP sa Oktubre 29.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.