BREAKING: ERC pinagmumulta ang Meralco ng P19-million

Pinagmumulta ng Energy Regulatory Commission o ERC ang Meralco ng P19-million dahil sa “failure to clearly indicate bills were estimated” at “failure to comply with the mandated arrangement.” Ayon sa kay Atty. Jose Ronald Valles, head ng Regulatory Affairs ng Meralco, pag-aaralan nila ang utos at magpa-file ng appropriate pleading.

Bukod sa multa, aatasan din ng ERC ang MERALCO na magbigay ng dagdag na diskwento sa mga lifeline user o mga household na kumukonsumo ng hindi tataas sa 100 kilowatt kada buwan.

Ipinunto ni Devanadera na pangunahing naging batayan ng kanilang pagmumulta sa MERALCO ay ang kalituhan na idinulot nito sa publiko ngayong pandemya.

Bukod sa hindi umano naipaliwanag ng husto ng MERALCO ang mga estimated bills na ipinalabas nito, huli na rin nang bigyang linaw nito ang installment payment scheme sa kanilang customers.

Nauna nang ipinunto ng ERC na hindi ito nagkulang na paalalahanan ang mga distribution utilities sa kanilang dapat na konsiderasyon sa mga consumer na apektado ng ECQ.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.