Breaking: from 15 to 9 years of age criminal liability, Inaprubahan na ng House panel

congress

Mabilis ang pag-apruba ng justice panel ng Kamara para mapababa ang criminal liability age mula 15-anyos patungong siyam na taon.

Kaagad na sumang-ayon ang kumite matapos itong imosyon ni Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro dahilan para hindi na ito pagbotohan pa.

Sa kasagsagan ng deliberation para sa nasabing bill, nagkakaroon ng kilos-protesta sa labas ng House of Representative building ang mga sumusuporta sa child rights na hindi sang-ayon sa nasabing batas.

Ayon sa batas, ang mga batang siyam na taong gulang hanggang 18-anyos ay posibleng magkaroon ng criminal liability kung sakaling may ‘discernment’ o alam ng bata ang epekto ng kanyang ginagawa.

Saad naman ni House panel chair Oriental Mindoro Representative Salvador Leachon, hindi umano nila ituturing na kriminal ang mga batang mahuhuli, bagkus ay titingnan bilang mga nakalabag ng batas at kailangan isailalim sa reporma.

“The Committee recognizes that the youth is an integral part nation-building and the State must ensure and preserve their overall well-being,” saad ni Leachon.

watch the video here:

 

BOSES NG MASA: Pabor po ba kayo dito? Pls comment #YES or #NO?

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.