BREAKING: Malakas na pagsabog, naganap sa Jolo, Sulu ngayong tanghali

Kinumpirma ni Capt. Rex Payot, tagapagsalita ng 11th Infantry Division ng Philippine Army na may naganap na malakas na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Capt. Payot, naganap ang pagsabog pasado alas-12 ngayong tanghali.

Walang pang ibang detalye na maibigay si Capt. Payot maliban sa sinabing naramdaman sa buong Jolo ang pagyanig.

Kasalukuyan pang tinutukoy ng mga awtoridad kung ano ang sumabog at kung may mga casualties.

(Photos courtesy of Nash Anni – Radyo Pilipinas Jolo Sulu)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.