#Breaking: Nahuli, 30 milyong halaga nagbebenta ng pekeng mga gamot

Nahuli ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Intelligence Service Armed Forces Of the Philippines (ISAFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang suspek na nagbebenta ng halos 30 milyong halaga ng pekeng mga gamot tulad ng Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR, MX3, at iba pa noong Enero 5.

Sa pahayag ng Food and Drug Administration (FDA) at Unilab Pharmaceuticals, kinumpirma nila na peke ang mga gamot.

Kinilala ang suspek na si Adel Rajput, isang Pakistani national, 31 taong gulang at residente sa Caloocan City.

Nakalagay ang mga pekeng gamot sa isang karton na may Chinese characters at natagpuan sa dalawang storage sa 7434B at 7434C Highland St., Marcelo Green Village at 27 Pearl St., Severina Subdivision, Km 18, Brgy. Marcelo, Paranaque City.

Photos courtesy of Bureau of Customs (BOC)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.