BREAKING: Pangalawang pagsabog, naganap sa Jolo, Sulu

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP)-Jolo na may pangalawang pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu.

Sa report ni Jolo Municipal Station OIC PSSg Abdel Haffeez K Amin sa PRO-BAR na pinadala sa Camp Crame, naganap ang pangalawang pagsabog ngayong ala-1:00 ng tanghali sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu sa tapat ng DBP Bank.

Ito’y habang nagsasagawa ang PNP SOCO ng crime scene processing sa unang pagsabog.

Ang unang pagsabog ay naganap sa tapat ng Paradise Food Plaza katabi ng Syntax Computer shop kaninang 11:53 ng tanghali.

Kasalukuyan pang inaalam ang bilang ng mga casualties, habang patuloy ang pag-sweep ng PNP-EOD sa lugar para sa posibleng iba pang pampasabog.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.