BREAKING: PNP, ipapalagay si Joma Sison sa red notice ng Interpol

Pormal na hihilingin ng Philippine National Police (PNP) sa Interpol na magpalabas ng red notice laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairperson Jose Maria Sison.

Ang red notice ay mag-a-alerto sa lahat ng police forces sa buong mundo na ‘wanted’ ang isang fugitive sa isang bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang red notice laban kay Sison ay batay sa ‘warrant of arrest’ na inilabas ng lokal na korte para sa kasong “15 counts of murder”.

Nilinaw ni Albayalde na kahit na may red notice ay hindi pa maaaresto si Sison ng mga lokal na awtoridad sa The Netherlands dahil sa ipinagkaloob sa kanya na political asylum ng Dutch government.

Sinabi naman ni Albayalde na inaasahan niya na magtatagumpay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang isinusulong na hakbang para ipabawi sa Dutch government ang political asylum kay Sison base sa kanyang pagiging miyembro ng isang terrorist organization.

Ayon kay Albayalde, sa oras na hindi na itinuturing na “political refugee” si Sison sa The Netherlands, maari na itong arestuhin ng Dutch Police at ipa-deport pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.