Brgy. Tandang Sora, Pasong Tamo, kinumpirma nang positibo sa African Swine Fever Virus

Kinumpirma na ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo na sa African Swine Fever virus ang dalawa pang barangay sa Lungsod Quezon.

Ito’y base sa resulta ng pagsusuri ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa blood sample ng ilang baboy sa Barangay Pasong Tamo at Tandang Sora.

Bago pa man kinumpirma ng BAI ang ASF, nagpatupad na ng preemptive measures ang Quezon City government noong unang kakitaan pa lang ito ng sintomas.

Dahil dito, umabot na sa limang barangay sa Quezon City ang apektado ng ASF, kabilang ang Barangays Bagong Silangan, Payatas at Tatalon.

Ipinatupad na rin sa dalawang barangay ang “culling process” sa loob ng 1-kilometer radius, alinsunod sa 1-7-10 protocol para sa ASF.

Samantala, sinampahan na ng kaso ng Quezon City government ang lalaki na kumatay at nagbenta ng baboy mula sa Barangay Payatas.

Sa panig ng Department of Agriculture, namigay na rin ng cash assistance ngayong umaga ang ahensiya sa mga hog raisers sa  Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal na apektado ng ASF.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.