BRP Antonio Luna, nasa frontline ng pagbabantay sa West Phil Sea

Ideneploy na sa frontline ng pagbabantay sa West Philippine Sea ang pinakabagong missile frigate ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna (FF151).

Ang naturang barko ay may kakayahan sa anti-surface, anti-air, at anti-submarine warfare.

Sinabi ni Vice Admiral Ramil Enriquez, Commander ng Western Command, ang maiden Mission ng BRP Antonio Luna ay ang magsagawa ng maritime and sovereignty patrol sa kanlurang territory ng bansa.

Ayon kay Vice Admiral Enriquez, ang presensya ng modernong barkong pandigma sa West Philippine Sea ay simbolo ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang maritime interest at sovereinty ng bansa.

Sa pagdating aniya ng BRP Antonio Luna sa kanyang area of deployment, mas epektibong mababantayan ng Pilipinas ang kanyang pangkaragatang teritoryo.

Samantala, una nang sinabi ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana na may namamataan pa rin silang mga barko ng China na umaaligid sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.