BRP Tarlac, patungong Catanduanes dala ang 255 toneladang relief supplies

Tumulak ngayon patungong Catanduanes ang BRP Tarlac (LD601) dala ang 255 tonelada ng samut-saring relief supplies, bilang bahagi ng humanitarian and disaster relief (HADR) operation ng Philippine Navy.

Ang mga relief good kasama ang construction materials, ay mula sa iba’t ibang government agencies, non-government organizations, at pribadong indibidwal, na tulong para sa mga residente ng Catanduanes na biktima ng nagdaang dalawang bagyo.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang send-off ng BRP Tarlac, mula sa Pier 15 ng Manila South Harbor, ngayong umaga.

Si Fleet Commander Rear Admiral Loumer Bernabe ang kumatawan kay Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovani Carlo Bacordo sa send-off ceremony.

Ang BRP Tarlac na tinitimon ni Capt. Norman Mutia, ang isa sa dalawang pinakamalaking barko ng Philippine Navy na kabilang sa Sealift Amphibious Force ng Philippine Fleet.

Ayon kay Phil. Navy Spokesperson Lieutenant Commander Maria Christina Roxas, ang agarang deployment ng kanilang mga modernong asset ay testamento sa kahandaan ng Phil. Navy na agarang rumesponde sa pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.