BSP Gov. Diokno, Pamahalaan hindi kailangan magbenta ng gov’t asset pandagdag ng pondo

Tiniyak ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na hindi kakailanganin na magbenta ng government asset ang pamahalaan upang mapondohan ang COVID-19 response.

Sa virtual hearing ng House Committee on Economic Affairs, sinabi ni Diokno na nagbibiro lamang ang Pangulong Duterte nang sabihin nito na ibebenta na lamang niya ang ilan sa mga government asset upang magkaroon ng sapat na pondong pantugon sa pandemya at pambili ng bakuna.

Ayon kay Diokno, taliwas sa mga nakaraang krisis na kinaharap ng Pilipinas, mayroong sapat na dollar reserve ang bansa sa ngayon na nasa $93.3-billion na posible pang pumalo ng $95-billion hanggang $97-billion sa pagtatapos ng taon.

Mananatili rin aniyang stable ang peso-dollar exchange rate.

Sapat din aniya ang kasalukuyang reserve upang ma-cover ang hanggang walong buwan ng goods and services ng bansa.

Pagtitiyak pa ni Diokno na mataas pa rin ang confidence o kumpiyansa ng mga investors sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pagtama ng COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.