Buhay ng mga bayani, gawing inspirasyon -Sen Bong Go

Nakiisa si Sen. Bong Go sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani at nanawagan siya sa lahat na gawing inpirasyon ang naging ambag at sakripisyo nila sa ating bansa.

“Kaisa ako ng buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng isang makabuluhang Araw ng mga Bayani, at sa paggunita sa mga naging ambag at sakripisyo nila para sa ating bayan,” ang sabi ni Go sa isang pahayag.

Ayon sa senador, nawa’y maging inspirasyon sa bawat isa ang naging buhay ng mga bayani lalo ngayon na sinusubok ng pandemya ang pagmamahal natin sa bayan at kapwa Pilipino.

Hindi man natin masuklian o matumbasan ang kanilang kabayanihan, sikapin pa rin natin aniya na makapaglingkod sa bansa at sa ating mga kababayan.

“Sigurado akong malalampasan natin ang kahit na anong hamon at makakamit natin ang ating mga hangarin kung tayo ay nagkakaisa at magkakasama na nagmamahal at naglilingkod sa ating Inang Bayan,” anang senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.