Build, Build, Build infra-projects sa Visayas Region, tuloy sa gitna ng pandemya

Sa kabila ng hamon ng COVID pandemic ay nagpapatuloy pa rin ang pag-usad ng iba’t ibang infrastructure projects sa Visayas Region.

Sa programang Network Briefing, idinetalye ni Office of the Presidential Assistant for the Visayas Asssistant Secretary Jonji Gonzales ang mga Build, Build, Build projects na inaasahang maghahatid ng economic recovery sa rehiyon.

Kabilang rito ang dalawang port projects sa Iloilo Province na nakumpleto na kamakailan.

Mayroon din aniyang bypass road na nasa 80% completion na magdudugtong naman sa tatlong bayan sa lalawigan, ang Santa Barbara, New Lucena, at Zarraga.

Patuloy rin ang konstruksyon ng ₱55-million flood control project sa bahagi ng Sibalom River, Iloilo.

Sa bahagi naman ng Central Visayas, iniulat ni Gonzales na malapit na ring matapos ang konstruksyon ng airport extension na may habang 1.2 kilometers.

Samantala, dalawang tourism projects rin ang ongoing sa Negros Oriental na layong mapataas ang tourist arrival sa Panaon Beach at Siaton.

Umaasa ang OPAV na wala nang magiging delay at agad matatapos ang mga infra-projects sa Visayas Region nang makatulong sa muling pagbagon ng rehiyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.