Bureau of Customs ido-donate ang mga nasabat na gadgets at learning materials sa DepEd

Inihahanda na ng customs personnel ang iba’t ibang electronic devices at educational learning materials na nasabat nito sa mga paliparan.

Kaugnay nito ay nagsagawa na rin ng imbentaryo ang Customs sa NAIA sa iba pang electronic devices  at educational materials na inabandona sa airport.

Nakatakda itong i-donate ng Bureau of Customs (BOC) sa DepEd para magamit ng kagawaran sa kanilang online class, o distance learning program ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga pwedeng pakinabangan ang mga laptop, mobile phones, computer monitors, printers, routers, tablets, pocket wi-fi at iba pang educational tools.

Kumuha na rin ng clearance ang BOC sa National Telecommunications Commission at Optical Media Board, upang matiyak na pasado ito sa minimum standards at ligtas itong gamitin ng mga estudyante.

Umaasa ang Bureau of Customs na magiging malaking tulong ito at suporta sa blended learning program ng Department of Education.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.