C-130 plane crash survivors binisita ni Mayor Sara Duterte

Nagtungo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Zamboanga City para bisitahin ang mga sundalong nasugatan sa pagbagsak ng C-130 military plane.

“This is a goodwill visit of Davao City to the soldiers at ipinaabot namin sa kanila ang aming mga get well soon wishes,” ani Duterte.

Kasabay nito, lumagda rin si Duterte ng memorandum of agreement sa kanilang sister city.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, welcome sa kanila ang pagbisita ni Duterte at suportado niya ang mga adbokasiya nito.

Si Duterte at Climaco ay naging magkaibigan noong 2020 nang dumalo sila sa International Visitor Leadership Program na inorganisa ng US Department of State.

“We support Mayor Inday Duterte in whatever advocacy she has because we feel that as a woman mayor she is making a difference for the lives of people as an example for soldiers right now,” saad ng Zamboanga mayor.
Kamakailan lamang ay nilinaw ni Anthony del Rosario, Secretary-General ng partido ni Duterte na Hugpong ng Pagbabago na ang pagbisita ng alkalde sa Zamboanga ay walang kinalaman sa eleksyon sa 2022.

Sa June 2021 Pulse Asia survey, nanguna si Duterte sa listahan ng mga preferred presidential candidate sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.