Case rate package system ng PhilHealth “root of all evil and corruption” sa ahensya ayon Rep. Defensor

Pinabubuwag na nang tuluyan ni ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor ang case rate package system ng PhilHealth.

Tinukoy pa ng mambabatas na “root of all evil and corruption” sa ahensya habang bunga o “offspring” naman nito ang anomalya sa interim reimbursement mechanism o IRM.

Batay sa isinagawang pagdinig ng Kamara, lumalabas sa pagtataya ng Commission on Audit na 26% ang sobrang bayad ng Philhealth sa mga ospital bunsod ng case rate o katumbas ng P154 billion mula 2013 hanggang 2018.

Sa case rate package system kasi, kahit mas mababa ang aktuwal na gastos sa ospital ay buo pa ring babayaran ng Philhealth ang halaga base sa case rate.

“For instance, they have four case rates for new coronavirus disease or covid-related ailments. For mild pneumonia, the package costs almost P44,000. A health facility can declare its treatment for colds, cough and fever as covid-connected mild pneumonia and get paid for P44,000 even if the actual cost is only P15,000 or P20,000,” paliwanag ni Defensor.

Imbes na case rate package, dapat ay ang eksaktong halaga lamang ng gastos ang bayaran ng Philhealth.

Makailang ulit na rin aniyang nag-bigay ng warning ang COA sa naturang sistema ng pagbabayad ngunit hindi naman tinugunan ng Philhealth.

Bunsod nito, itinutulak ni Defensor na imbes na magsagawa ng review sa case rate at IRM tulad nang atas ni Health Sec. Francisco Duque III ay mas maigi na tuluyan nang buwagin ang mga ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.