CBCP, humiling ng panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa sambayanan na ipagdasal ang mga kababayan nating naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao.

Sa inilabas na mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP, hinihimok niya ang mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ang mga kababayan natin mula sa mga dioces ng Kidapawan, Digos, Tagum, at Mati at archdioces ng Cotabato at Davao.

Hinikayat din ni Valles na ipanalanging maging kalmado at alerto ang mga mamamayan matapos ang lindol, at makiisa at magmalasakit matapos ang sakuna.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.