Chel Diokno, kinuwestiyon ang warrantless arrest ng lalaking nambash kay Pangulong Duterte

Kinuwestiyon ni Human-rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno ang warrantless arrest ng lalaki mula sa Agusan del Norte na nang-insulto kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksyon sa pagpapasara ng broadcast operation ng ABS-CBN.

Nitong Miyerkoles, Mayo 13, inaresto ng mga pulis sa Caraga region ang 41-anyos na si Reynaldo C. Orcullo dahil sa pagmumura sa Pangulo sa isang social media post.

Sinabi ni Brigadier General Joselito T. Esquivel, Jr., Caraga regional police director, na nagpost si Orcullo sa personal nitong Facebook account ng sinasabing mga salitang mapanira, dahilan upang tuntunin ito at pinagpapaliwanag dahil sa paglabag sa Section 4 ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act No. 10175.

“Again I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform. Be responsible netizens. We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond what you think is right without minding you violate the provisions of the law,” ani Esquivel.

Nasamsam din ang cellphone ni Orcullo. Nasa kustodiya na siya ng pulisya.

“The limited authority given to the police to arrest without warrant is only for crimes that occur in their presence or for hot pursuit,” ayon kay Diokno, na pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG).

“Crimes like libel (especially in cases where no complaint is filed) were never meant to be the subject of warrantless arrests. Only judges are equipped with the knowledge and impartiality to decide if a person should be jailed for libel,” dagdag pa nito.

Ani Diokno, naiibahan siya dahil kailangang arestuhin ni Orcullo dahil sa sinasabing pagmumura nito sa Pangulo na, aniya, “did the same to a senator, the Pope, the Church, and many others.”

“Hindi trabaho ng PNP protektahan ang Pangulo sa opinyon ng taumbayan. Ang trabaho nyo e protektahan ang taumbayan.”

Sinabi ng Caraga police na pinost ni Orcullo ang sumusunod sa Facebook: “Alam na pattern, mosalida si Go konuhay siya mohangyo sa buang nga Pangulo, Digong gago. Buang si Digong.”

Hindi naman nagbigay ng screenshot ang Caraga police sa sinasabing post ni Orcullo.

Ngunit nagsaliksil ang pahayagang Inquirer sa Facebook posts ni Orcullo noong Huwebes at nakita ang isang post nito noong Mayo 6 na naglalaman ng halos kaparehong mensahe, ngunit hindi nito binanggit si Go at ang Pangulo.

Ayon sa post: “Alam na galawan ni buang. May mala anghel na Senador ang kunyari makiusap sa buang. Balik operasyon ang network. Yan yun.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.