China, magbibigay ng karagdagang 400,000 doses ng bakuna sa Pilipinas

Daragdagan ng China ang donasyon nitong bakuna sa bansa. Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pangulo, nasa 400,000 dosage ng bakuna ang ibibigay pa ng China sa Pilipinas.

Dagdag ito sa una nang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines na una nang dumating sa bansa noong Linggo.

Posible aniya na ngayong Marso dumating ang karagdagang ito.

Samantala, binigyang diin ng pangulo na sa oras na makita niya na marami nang Pilipino ang nagpapabakuna, papayagan na niya ang pagbubukas pa ng ekonomiya.

Ang publiko naman aniya ay makakaasa na gagawin ng pamahalaan ang lahat, upang magtagumpay ang nationwide COVID vaccination program ng gobyerno.

“You have my assurance that the government will be exerting all efforts to roll out the nationwide COVID-19 vaccination program to enable us to reopen our schools and slowly resume our face to face learning.” pagtitiyak ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.