China, muling magpapadala ng panibagong 400,000 donasyong bakuna sa Pilipinas

Muling magbibigay ng donasyon ang China ng bakunang Sinovac sa pamahalaang Pilipinas.

Bahagi ito ng ulat ni vaccine czar at Chief Implementer secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na dito ay aabot sa may 4 na raang libong doses ang muling ido- donate ng China.

Bukod ito isang milyong doses ng Sinovac na bibilhin naman ng gobyerno na kapwa inaasahang darating ngayong buwang ito.

Pero sa kabuuan ayon kay Galvez ay aabot sa dalawa punto tatlong milyong bakuna ang paparating ngayong Marso.

Sinabi ni Galvez na bukod sa Sinovac ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa World Health Organization na maaari din tayong makatanggap ng halos 1 milyong AstraZeneca ngayong buwan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.