China, nag-donate ng ₱1-B halaga sa Pilipinas para sa humanitarian & disaster relief equipment

Nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Chinese Defense Minister General Wei Fenghe ang kasunduan para sa isang bilyong pisong halaga ng humanitarian and disaster relief equipment na donasyon ng China sa Pilipinas.

Ito’y matapos ang pulong bilateral sa pagitan ng dalawang opisyal sa Camp Aguinaldo kahapon.

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, napagkasunduan nila ang pagpapalitan ng “best practices” sa laban kontra sa COVID-19.

Napagkasunduan din ang pagrepaso sa 2004 Philippines-China Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation para maging mas epektibong makatugon sa kasalukuyang sitwasyon.

Pinag-usapan din nila ang mga isyu tungkol sa West Philippine Sea at ang pagsulong ng “Code of Conduct in the South China Sea” upang maiwasan ang tensyon sa naturang karagatan.

Sinabi ni Lorenzana na umaasa siya na ang pag-uusap nila ng Chinese Defense Minister ay hahantong sa mas matatag na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa larangang pang-depensa at mga isyu na “mutual concern”.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.