China pumalag sa mga military plane ng Pinas sa West Philippine Sea

Tinawag ng China na panghihimasok sa kanilang security at sovereignty ang pagpapadala ng Pilipinas ng mga military plane sa Spratly Group of Islands, kung saan matatagpuan ang karamihan ng claims ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, na dapat ihinto ng Pilipinas ang umano’y “illegal provocations” nito sa WPS.

Kamakailan nang maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa patuloy umanong “illicit issuances of radio challenges [against] Philippine aircraft conducting legitimate regular maritime patrols in the West Philippine Sea.”

Binatikos din ng Pilipinas sa diplomatic protest ang pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga fish aggregating device na kinabit ng mga Pilipinong mangingisda.

Magugunitang taong 2016 nang sabihin ng international arbitral tribunal na walang basehan ang pag-aangkin ng China sa WPS.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.