Chinese na nahuling umiihi sa kalye ng Maynila, nanapak ng tanod pinadedeport ni Mayor Isko

watch the video here:

Patuloy ang ginagawang pagsasa-ayos ng Maynila sa tulong ni Mayor Isko Moreno. Bukod sa paglilinis ng mga kalye at pagtanggal sa mga obstruksyon ay mahigpit na pinapatupad rin ang mga ordinansa ng lungsod. Isang Tsino ang ngayon ay nanganganib na madeport matapos mahuling umiihi sa isang kalye sa Tondo Manila at manlaban pa sa mga tanod na sumita rito.

Isa sa mga alituntunin dapat sundin ng sinumang dayuhan dito sa ating bansa ay ang respetuhin ang mga batas at sumunod sa mga ito. Ang pagbibigay ng visa sa isang dayuhan ay isang pribilehiyo lamang at maaari itong bawiin kailan man gustuhin ng otoridad.

Isang Tsino ngayon ang nahaharap sa kaso matapos siyang mahuling umiihi sa isang kalye ng Tondo Manila. Lalo pang bumigat ang kanyang kaso ng kanyang saktan ang barangay tanod ng Brgy. 28 ng siya ay sitahin sa ginawa niyang kababuyan sa kalye.

Sinabi ni  Moreno na ayon sa nakarating na reklamo sa kanya mula kay Chairman Jeff Lau, umihi sa pader si Keng at sinita ng tanod pero imbes na making ang suspek ay nagalit at sinapak pa ang nasabing  tauhan ng barangay.

Sa isang press conference na ibinahagi sa Facebook, sinabi ng butihing mayor ng Maynila na ang pag-ihi sa kalye ay ipinagbabawal sa kanyang lungsod. Lalo na ang pananakit ng mga otoridad ng gobyerno tulad ng mga tanod at kapulisan.

“Please, foreigners, immaterial of where you came from, if you go to Manila, you need to follow simple rules” babala pa ni Moreno sa mga dayuhang turista sa lungsod.

Dagdag pa ni Moreno na dapat arestuhin ang suspek dahil iligal ang kanyang pag-ihi.

Sinabi ni mayor na sila ay susulat sa Bureau of Immigration upang hilingin na ipa deport at tuluyan ng i-ban sa pagpasok sa bansa ang Intsik na umihi at pagkatapos ay matapang pang nanakit ng isang barangay tanod. Hindi umano ito karapat dapat na manatili pa sa bansa dahil sa ikinilos nito.

Sinabi ni mayor na ang mga batas para sa mga ordinaryong mamamayan ng Maynila ay siya ring batas para sa mga dayuhan. Kung hindi nila kayang respetuhin ang mga patakaran at batas ng lungsod ay hindi sila karapat dapat sa Maynila.

“If you hit our enforcer, if you attempt to hurt our policemen because you are a superpower, you believe that malaking bansa kayo, you are not welcome to the City of Manila,” ang matapang na pahayag ng bagong mayor.

“Ngayon, sa mga barangay chairman na buo ang loob at makatwiran, maraming Salamat sa pagtulong niyo sa pagpapatupad ng mga alintuntunin at ordinansa sa atoing lungsod.Kapag ganun ang ginawa ninyo, eto ako,kakampi niyo”, pahayag pa ni Moreno.

Facebook Comments

1 thought on “Chinese na nahuling umiihi sa kalye ng Maynila, nanapak ng tanod pinadedeport ni Mayor Isko

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.