Chinese warships, limang beses na muling pumasok sa teritoryo ng bansa ng walang paalam

Limang ulit na pumasok sa teritoryo ng bansa ang mga Chinese warships ng walang paalam.

watch the video here:

Ito’y matapos unang ireklamo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Chinese ambassador ang unang apat na beses na pagdaan ng mga Chinese warships sa Sibutu Strait mula Pebrero.

Mistulang pag-aari na ng China ang Sibutu Strait sa Tawi-Tawi at Balabac Strait sa Palawan.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pagsabi na tila “wa epek” ang pangako ng Chinese ambassador na ipapaalam ng China sa Pilipinas ang pagdaan ng kanilang mga barkong pandigma sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Lt. General Cirilito Sobejana, na-monitor na naman nila ang pagdaan sa Sibuti strait ng mga Chinese warships ng dalawang beses noong Hulyo at tatlong beses nitong Agosto.

Sinabi ni Sobejana na na-monitor ang mga ito sa pamamagitan ng mga aerial at naval patrols. Bagamat armado aniya ang mga naturang barko ng China, hindi naman aniya “hostile” ang mga ito, at umalis din agad nang mamataan nila ang mga local patrols.

Pero hindi aniya maituturing na innocent passage ang kanilang pagdaan dahil hindi dere-deretso ang kanilang biyahe sa sea lanes at hindi rin nakipag-communicate sa kanila.

“Since these are warships, their entry to our territory should be coordinated. So we informed the national leadership para sa ganun they can engage with their counterparts sa Department of Foreign Affairs o sa mga attaches d’yan sa Manila,” giit pa ni Sobejana.

Nagpadala na aniya sila ng pormal na report sa Department of Defense para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.