CHR kinondena ang pamamaslang ng NPA

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang pinakahuling panggugulo ng New People’s Army, kabilang ang pagpatay sa isang sundalo at miyembro ng tribong Manobo sa Lanuza, Surigao del Sur.

Ginawa ng CHR ang pagkondena makaraang ihayag ng isang Facebook user na nagngangalang Ka Sandara Sidlakan na nagpakilalang spokesperson ng NPA sa Surigao del Sur na sila ang may kagagawan sa pagpatay kay Private First Class Ariel Guinsod Maca, miyembro ng 36th Infantry Battalion.

Si Maca ay tinortyur at pinagbabaril ng maraming beses na ikawasak ng kanyang mukha at ikinaluwa ng kanyang mata noong Oktubre 3, 2020 sa Lanuza, Surigao del Sur.

Noon namang Oktubre 4, tinambangan at pinatay ng mga rebelde si IP Mandatory Representative to the municipal council, Hawudon Jumar S. Bucales ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga miyembro ng NPA sa Lianga, Surigao del Sur.

Habang noong Oktubre 7, sinalakay ng mga NPA ang Pinabacdao, Samar na ikinasugat ng pitong katao, kabilang ang isang pulis at dalawang guro.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang naturang walang habas na pamamaslang sa gitna ng pandemic ay lubhang brutal, desproporsyunado at labag sa international humanitarian law.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.